-- Advertisements --
Umabot sa 4,437 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health, pumalo na sa 631,320 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa buong bansa.
Umakyat naman sa 57,736 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19, na pinakamataas ngayong taon.
Sa naturang bilang 92.6 percent ang mild, 4 percent ang asymptomatic, 1.3 percent ang severe, at 1.3 percent ang nasa kritikal na kondisyon.
Nadagdagan naman ng 166 ang bilang ng mga gumaling mula sa virus, kaya umabot na sa 560,736 ang total recoveries.
Habang may 11 bagong namatay dahil sa COVID-19, kaya ang death toll ngayon ay nasa 12,848.