CEBU – Tinawag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na anti-poor at anti-busines ang deklarasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na naglagay sa Cebu sa alert level 2 dahil sa Coronavirus (Covid-19).
Gayunpaman, tiniyak ni Garcia sa publiko na walang mga paghihigpit sa gitna ng rekomendasyon ng IATF na ilagay ang karamihan sa lalawigan ng Cebu sa Alert Level 2, mula Abril 15 hanggang Abril 30.
Idinagdag pa ng gobernador na hindi sila susunod sa panukala ng IATF, at sinabing ito ay “rekomendasyon lamang.”
Inilabas ng IATF ang Resolution No. 6-C series of 2023, nagrerekomenda ng paglalagay ng DALAWAMPUT ANI 26 na lugar, kabilang ang lalawigan ng Cebu, sa ilalim ng Alert Level 2.
Pinuna rin ni Garcia ang anti-COVID task force ng pambansang pamahalaan sa paglabas ng inilarawan niyang “confusing list,” na tumutukoy sa desisyon ng huli na i-exempt ang ilang lugar sa lalawigan sa ilalim ng Alert Level 2.
Nabatid na nasa alert level 2 din ang Lalawigan ng Bohol gayundin ang ilang bahagi ng Lalawigan ng Sugbu, ngunit hindi kasama ang lugar ng Alcoy, Borbon, Lungsod ng Naga at Talisay, Oslob, Pilar, Poro, Santander at Tudela.