Magsisimula na sa Nobyembre ang rollout ng experimental antiviral pill molnupiravir ng Merck & Co sa mga ospital na mayroong compassionate special permits (CSPs).
Ayon kay MedEthix co-founder Monaliza Salian, sasapat para sa 300,000 COVID-19-positive patients ang volume na kanilang binili sa kanilang supplier.
Ang mga ospital na mayroong CSPs ang siyang mag-prescribe ng naturang gamot sa pasyente gayong sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ang molnupiravir ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration.
Sinabi ni Pharmaceutical company JackPharma Inc. president Meny Hernandez na ang molnupiravir ay kailangan inumin ng dalawang beses sa loob ng limang araw o dipende sa prescription ng doktor.
Sa kanilang tantiya, P130 hanggang P150 ang presyo ng molnupiravir.
Naina nang sinabi ng isang health expert na ang molnupiravir ay maaring inumin sa oras na exposed ang isang tao sa COVID-19.
Binabawasan kasi raw nito ng kalahati ang tsansa na lumalala ang mild case.