Sa kabila ng takot at tumataas na bilang ng mga namamatay sa Italy araw-araw na dulot ng COVID-19 ay patuloy parin na nagtutulongan ang mga Pinoy sa nasabing bansa.
Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Gina Torres, Pinay migrant sa Milan, ayon sa kanya kasama ng mga kaibigan sa Filipino community ay every 15 days sila na nagbibigay ng groceries sa mga kababayang no work no pay ang kasalokoyang sitwasyon matapos magsara pansamantala ang mga pinagtatrabaho-han.
Hindi umano nakakapagtaka kung bakit madami ang namamatay dahil karamihan sa mga matatandang Italiano ay binabaliwala parin ang banta ng Covid 19, patuloy na lumalabas at nakikipag usap sa mga kapitbahay na walang suot na mask kung saan hindi din sumusunod sa physical distancing protocol.
Dagdag pa ni Torres na doble ingat parin silang mga Pinoy at hindi lumalabas kung hindi naman importante ang lakad.
Sa ngayon ang Italy ay may pinaka maraming naitalang namatay na umabot na sa 5,476 at 59,138 naman na total cases.