Iniulat ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na nasa 75.43% na ang occupancy rate ng mga COVID-19 beds sa kanilang mga HOPE community caring facilities.
Habang nasa 100% na rin ang occupancy rate sa tatlong hospital sa siyudad.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, paalala nito sa mga QCitizens na kung nangangailangan ng pasilidad para sa mga COVID-19 mild o asymptomatic patients, makipag-ugnayan muna sa kani-kanilang mga barangay at QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) para ma-admit sa ating HOPE facilities.
Ayon sa alkalde as of August 30, 2021 nasa 114 COVID-19 patients o 95% ang occupancy rate ng Quezon City General Hospital, ang Rosario Maclang Bautista General Hospital ay nasa 100% bed capacity kung saan may 90 pasyente ang kasalukuyang naka-confined; ang Novaliches District Hospital ay nasa 118% full capacity.
Ang 12 Hope community caring facilities ng siyudad ay kasalukuyang may ginagamot na pasyente na nasa 1,277.
Iniulat din ni Mayor Belmonte na nasa 9,813 ang kumpirmadong active covid-19 cases ng siyudad mula sa 130,761 na kabuuang bilang na nagpositibo sa lungsod.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso, nasa 91.5% o 119,615 na ang gumaling mula sa #COVID19PH sa Quezon City.
Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay residente ng QC.
Samantala, umabot na sa higit 2,424,353 million doses ng bakuna ang naiturok ng ating #QCProtekTODO Vaccination Program.
Sa kabuuan, nasa mahigit 1,674,301 o 98.49% ng 1.7 Million na target population ang nabakunahan na ng first dose sa kabila ng limitadong supply ng bakuna.
Umakyat naman sa 750,052 o 46.70% ang nakatanggap na ng kanilang second dose.
Hinihikayat ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.
Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.