-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinukulang na ang mga COVID-19 beds at mechanical ventilators sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Bea Natalaray, spokesperson ng Department of Health Region 6, sinabi nito na sa kanilang tala, umabot na sa 68.98% ang COVID-19 beds at mechanical ventilators sa mga ospital sa rehiyon.

Ayon kay Natalaray, masasabing low risk ang classification kung mas mababa sa 60% at high risk naman kung 70% pataas.

Napag-alaman na 42.49% ang dedicated COVID-19 beds para sa public at 15.34% percent naman sa private.

Sa ngayon, patuloy pa rin sa paglobo ang COVID-19 cases sa rehiyon kung saan sa Iloilo City at Iloilo Province ay high risk na ang COVID-19 beds at mechanical ventilators.