-- Advertisements --
Sinimulan na ng India ang pagbibigay ng booster doses ng COVID-19 vaccines sa mga priority group dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kinabibilangan ito ng mga health, frontline workers at mga tao na edad 60 pataas na may comorbidities ang kasalukuyang pasok para makatanggap ng nasabing bakuna.
Ang nasabing hakbang ay matapos ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron na unang nadiskubre sa South Africa.
Tinawag ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang nasabing booster host bilang “precaution dose” na parehas din na bakuna na ibinigay sa mga tao kagaya ng first at second dose.