Iniulat ng Department of Health (DOH) na ang COVID-19 case fatality rate sa Pilipinas ay nananatiling mababa sa 2% global average o nasa 1.61%.
Mas mababa ito ng 9% sa inilabas na case fatality rate ng bansa sa Nikkei Covid-19 Recovery Index.
Paliwanag ng DOH, patuloy ang pagbaba ng naitatalang COVID-19 death sa bansa matapos ang peak ng cases at deaths na naitala noong buwan ng Setyembre.
Sa nakalipas na buwan ng Nobyembre ang death toll ng bansa sa COVID-19 ay pumalo sa 838 o 1.81% CFR.
Nilinaw naman ng kagawaran na ang datos ng case fatality rate na ginamit sa Nikkei Covid-19 Recovery Index na ansa 9% ay base sa bilang ng naitalang namatay sa covid19 kada araw mula Nobiyembre 18 hanggang 27.
Subalit sa mahigit 2000 na naiulat sa naturang period, nasa 16% lamang ang naitala sa buwan ng Nobiyembre habang nasa 80 porsyento dito ay mula noong Agosto hanggang Oktubre.
Dagdag na paliwanag ng DOH na ang mataas na naiulat na namatay sa COVID-19 nitong huling linggo ng Nobiyembre ay dahil sa pagkaantala ng encoding, validation at reporting ng death infromation sa CovidKaya.
Sa kabila nito, nakatulong naman ang vaccination program ng pamahalaan at improvements sa health care system ng bansa sa pagbaba ng case fatality rate sa Pilipinas.