Nakapagtala ngayong araw, Agosto 22, 2021 ang Department of Health (DOH) ng 16,044 na panibagong nadagdag na COVID-19 case.
Gayunman marami ring bagong gumaling na umaabot sa 13,952.
Habang nasa 215 ang mga bagong pumanaw.
Ang death toll sa bansa ay umaabot na sa 31,810.
Sa kabuuang bilang ay mayroong 1,681,925 na ang gumaling sa Pilipinas mula sa COVID-19.
Sa ngayon napakarami pa rin ang mga aktibong kaso na umaabot sa 125,900 o mga pasyente.
Ayon sa DOH na mayroong anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng COVID-19 Document Respository System (CDRS).
“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (125,900) ang aktibong kaso, 91.4% (1,681,925) na ang gumaling, at 1.73% (31,810) ang namatay. Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 20, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 2.9% sa lahat ng samples na naitest at 3.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi ng DOH advisory.
“Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging paggsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay magisolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.”