BUTUAN CITY – Naitala ang 15 na bagong kaso sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19 sa Caraga Region dahilang umakyat pa ito sa 176.
Kinumpirma ng Department of Health o DOH-Caraga na mayroong 200 na RT-PCR results ang kanilang natanggap galing sa Southern Philippines Medical Center o SPMC sub-national laboratory.
Sa nasabing RT-PCR results, 166 ang negatibo habang 34 ang positibo sa COVID-19 virus.
Ang negative RT-PCR results ay ang suspect case sa Butuan Doctors Hospital, 5 sa Probable cases galing sa Butuan Doctors Hospital at Agusan del Sur quarantine facility, 160 results galing sa high-risk individuals na nagpositibo sa Rapid Antibody-based Test o may travel history o na-expose sa COVID-19.
Sa 34 positive samples, 19 nito ang follow-up tests sa confirmed cases at 15 ang New Cases.
Sa bagong kaso, 53.33 porsiento o 8 ang Locally Stranded Individuals, 26.67 porsiento o 4 ang Returning Overseas Filipinos at 20 porsiento o 3 ang frontliners.
Ang bagong kaso ay kinabibilangan sa 11 na lalaki at 4 ang babae na ang edad ay nasa pagitan ng 20 hanggang 30-anyos.
Sa lalawigan ng Agusan del Norte, isa sa Buenavista, Las Nieves (1), Cabadbaran City (1), Bayugan City (1), municipalidad sa Surigao del Norte-Alegria (2), Gigaquit (3), Sison (1), Sta. Monica (1), Tagbina, Surigao del Sur (3), at Bislig City (1).
Ang lahat ng bagong kaso ay parehong asymptomatic at na-admit o na-isolate na sa mga quarantine facilities sa buong rehiyon para sa monitoring.