LAOAG CITY – Lima ang naidagdag na bagong kaso ng covid-19 dito sa lalawigan ng Ilocos Norte kung kaya’t aabot na sa 199 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.
Sa statement ng lokal na pamahalaan, ang mga limang bagong nagpositibo ay pare-parehong residente sa Brgy. 49-B, Raraburan dito sa lungsod ng Laoag at nakasalamuha nila si IN-C187.
Ganunpaman, pare-parehong asymptomatic o walang sintomas ng virus sina IN-C195, 14-anyos na lalaki; IN-C196, 33-anyos na lalaki, IN-C197, 19-anyos na lalaki, IN-C198, 29-anyos na isang babae at si IN-C199 na 16-anyos at isang babae.
Sa ngayon ay naka-isolate na ang mga ito at nagpapatuloy ang contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha.
Maalala na si IN-C187 ay empleyado ng Provincial Government ng Ilocos Norte.