-- Advertisements --

Kinumpirma ng Iran na halos 3,000 bagong kaso ng coronavirus infection ang kanilang naitala sa loob lamang ng isang araw. Ito ay mas mataas sa kabuuang bilang na kanilang naitala noong nakaraang dalawang buwan.

Dahil dito ay nagbabala ang Iran na posible itong humarap sa mas delikadong peak ng outbreak.

Sinabi ni Health Minister Saeed Namaki na tila nagpapa-kampante na ang karamihan ng mamamayan sa naturang bansa dahil inaakala ng mga ito na tapos na ang krisis ngunit ayon dito malayo pa ang laban na kanilang kakaharapin.

“The coronavirus is not only far from over, but we could at any moment see (another) dangerous peak,” saad nito sa kaniyang televised interview.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 154,445 confirmed cases ng COVID-19 sa Iran, 7,878 na ang namamatay at 121,004 katao ang gumaling.