-- Advertisements --

Patuloy ang pagbaba ng naitatalang COVID-19 infections sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Research na umaabot lamang sa 636 ang naitatalang daily cases mula Hulyo 2 hanggang 8 o pitong porsyentong mas mababa kumpara noong nakaraang mga linggo.

Dagdag pa ng independent research group na bumalik na sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 infection sa bansa mula sa dating pagtaas nito noong nakaraang mga linggo.

Itinuturing pa rin na areas of concern ang Davao City, Iloilo City, General Santos, Cagayan de Oro, Baguio City at Tagum City.