-- Advertisements --

Bumaba ng 300 kaso ng COVID-19 sa Metro Manila noong nagdaang mga linggo.

Ayon sa OCTA Research Group na ito ay katulad na naranasans a Metro Manila noong Enero 2021.

Sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David na sa ngayon ay mayroong average case ang Metro Manila ng 293 na kaso kada araw mula Nobyembre 16-22.

Huli kasing naranasan ang below 300 na kaso ay noong Enero 2 hanggang 8.

Tiwala rin si David na posibleng bumaba pa ang daily case ng below 100 sa kapaskuhan.

Nagbabala rin si David na tataas muli ito kapag naging pabaya ang mga tao sa hindi pagsunod ng mga health protocols.