-- Advertisements --

Tumaas ang COVID-19 case sa Metro Manila ng hanggang 51% mula noong nakaraang linggo.

Ayon sa Octa Research na mayroong 3,262 ang naitatalang kaso sa kada isang araw.

Ang nasabing bilang ay naitala mula Agosto 9-15 kumpara sa 2,163 na naitala noong Agosto 2-8.

Dagdag pa rin ng OCTA na ang average rate sa 12 lugar ay nasa kritikal na level.

Itinuturing na ang Navotas bilang mayroong pinakamataas na hawaan.

Nasa lagpas 70% ang hospital occupancy sa mga lungsod ng Makati, San Juan, Pasay, Las Pinas, Taguig at Quezon City ganun din sa bayan ng Pateros.