-- Advertisements --

Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto.

Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw.

Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy ang kasalukuyang lagay ng Pilipinas sa Estados Unidos na nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na covid-19 cases na ngayon ay pumalo na ng mahigit 3.8 million.

Malaki umano ang ambag dito ng pagtaas ng testing capacity ng bansa.

Sa kabilang banda, bahagyang bumaba naman ang case fatality rate na kanilang naitatala. mula raw kasi 6% noong Hunyo ay nasa 2% na lamang ito ngayon. Ibig sabihin lamang nito ay nag-improve ang healthcare system ng bansa.

Habang nakakita naman sila ng muling pagtaas sa positivity rate kung saan itinuturong dahilan dito ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas at community transmission.

Saka lamang daw malalaman na umuunti na ang bilang ng nagkakasakit sa oras na bumaba na rin ang positivity rate. Kung tumaas naman ang bilang ay maikokonekta ito sa expanded testing na ginagawa ng Department of Health (DOH).

Samantala, nilinaw naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi sapat ang antibody test na gamitin mag-isa upang ma-rule out kung may COVID ang isang tao o wala.