-- Advertisements --
Nagsimula ng bumaba ang kaso ng COVID-19 sa South Africa.
Sinabi ni Dr. Angelique Coetzee ang national chair ng South African Medical Association, nadaanan na nila ang punto na may pinakamataas na kaso at ito ay patuloy na bumababa na.
Gayunman, kahit na bumaba na ay mataas pa rin aniya ang positivity rate na mayroong 30%.
Hindi rin aniya naging mapaminsala ang Omicron kumpara sa Delta variant subalit patuloy pa rin ang ginagawa nilang pag-iingat.