Nagsisimula ng mag-plateau ang mga kaso ng COVID-19 sa lahat ng mga lugar sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasabay ng pag-presenta ng covid-19 cases na namonitor sa National Capital Region at sa nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Aniya, habang bumababa na ang admissions sa Intensive care unit (ICU), patuloy din na bumababa ang trend ng admissions para sa severe at critical cases.
Subalit nagbabala naman si Vergeire na nananatili pa rin ang banta mula sa covid-19 dahil sa mutations, bagong subvariants sa ibang mga bansa, pagbubukas ng borders at nagpapatuloy na transmissions.
Hindi naman masabi pa sa ngayon ni Vergeire kung mailalagay na sa pinakamababang lebel ng restriksyon ang bansa mula sa coxvid-19 o sa tinatwag na Alert level 0.