-- Advertisements --

Nakikita ng isang eksperto na maabot ang peak ng COVID-19 infections sa Metro Manila pagsapit ng Enero 15 o hanggang sa ikatlong linggo ng Pebrero.

Sinabi ni Prof. Jomar Rabajante ng University of the Philippines (UP) Pandemic Response Team na posible talagang tataas ang mga maitatalang bagong kaso ng COVID-19 kapag hindi nagkaroon ng matinding intervention ang pamahalaan.

Base sa kanilang projections, maaring aabot sa 20,000 hanggang 40,000 cases ang maitatala sa nakikita nilang peak sa kada araw, na posibleng mangyari kapag hindi naipapatulad ng wasto ang COVID-19 health protocols.


Pero nilinaw niya na dipende pa rin ito sa magiging behavior ng taumbayan, lalo na kung mananatiling mobile pa rin kahit pa nakalagay na ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3 simula ngayong araw hanggang Enero 15.

Gayunman, kung magkakaroon ng delay sa peak, sinabi ni Rabajante na magiging magandang indikasyon ito na epektibo ang mga alert levels at nasusunod ng publiko ang minimum public health standards.

Kahapon, Enero 2, pumalo sa 4,600 ang naitalang bagong COVID-19 infections.