-- Advertisements --

Pumalo na sa kabuuang 16,634 ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa inilabas na ulat ng Department of Health (DOH) mayroong 1,046 ang pinakabagong kaso na naiulat na siyang pinakamataas sa isang araw.

DOH
DOH bulletin/ FB image

Agad namang nilinaw ng DOH na sa nasabing bilang ang 46 ay resulta mula sa pinakabagong nasuring individuals at ang 1,000 ang bilang ng mga nasuri noong nakaraang mga araw pero ngayon lamang lumabas ang resulta.

Umabot naman sa 122 ang bilang ng mga bagong gumaling na mayroong kabuuang total na 3,720 na ang recoveries.

Kinumpirma rin ng DOH na mayroong 21 ang bagong nasawi na umaabot na sa kabuuang 942 ang nasawi.

Ang bagong klasipikasyon ng mga kumpirmadong kaso ay inilabas ng DOH matapos ang patuloy na pagtaas ng mga sumailalim sa swab tests.

Paliwanag pa ng DOH, ang paglobo ng bilang sa loob ng isang araw ay dahil sa ang mga lumang kaso ay ngayon lamang na-validate ng kanilang Epidemiology Bureau.

Ayon naman kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ay dahil sa bagong validation process at ang bagong karagdagang encoders nila.