-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Pumalo na sa 812 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.

Sa huling datos ng DOH CHD-Bicol, apat na kaso ang panibagong naitala sa rehiyon.

Sa nasabing bilang tatlo dito ang mula sa Sorsogon (2 Bulan, 1 Sorsogon City), at isa naman sa Naga City.

Dalawa rin ang naiulat na namatay na sila Bicol#812, isang 63-anyos na lalaki mula sa bayan ng Bulan sa Sorsogon at si Bicol#397 naman ay isang 74-anyos na lalaki mula sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Dahil dito, umabot na sa 25 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang ahensya sa pamilyang mga naiwan ng mga pasyente.