-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinangangambahang tumaas ang COVID-19 cases sa Bicol pagsapit ng Semana Santa, kung walang pag-iingat ang mga tao at hindi masunod ng tama ang public health safety protocols.

Ayon kay DOH Bicol COVID-19 program coordinator Dra. Lulu Santiago sa Bombo Radyo Legazpi, inaasahan na ang maraming biyaherong uuwi kasabay ng pagluluwag ng restrictrions ng Inter-Agency Task Force.

Hindi naman binabalewala ng regional office ang nasabing posibilidad lalo pa’t malapit lang ang Bicol sa National Capital Region na nakakapagtala ng mataas na kaso sa araw-araw.

Dagdag pa ni Santiago, karamihan sa mga nagpopositibo ang nasa working age group na edad 21 hanggang 30-anyos, maliban pa sa mga health workers at travellers.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ni Santiago ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield, pag-obserba sa social distancing at sanitation, upang mapangalagaan ang sarili laban sa sakit.