-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng 23 na panibagong kaso ng coronavirus disease ang Bicol region.
Sa datos ng DOH CHD- Bicol, umabot na sa 512 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon habang nasa 261 ang active cases.
Sa nasabing bilang 7 dito ang mula sa Prieto Diaz Sorsogon, 6 sa Naga City, 4 sa Camarines Sur (2 Camaligan, 1 Pasacao, 1 Libmanan), 5 sa Albay (4 Legazpi City, 1 Daraga), at 1 sa San Fernando Masbate.
Inabisuhan rin ng ahensya ang publiko, maging ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs), Returning Overseas Filipinos (ROFs) at close contacts sa mga COVID positive na sumunod sa quarantine at isolation procedures.