BUTUAN CITY – Nadagdagan pa ang bilang sa Covid-19 sa Caraga region kasunod sa 20 bagong kaso na nadagdag.
Ngayong araw ng natanggap sa Department of Health o DOH-Caraga ang 123 RT-PCR results galing sa Southern Philippines Medical Center molecular sub-national laboratory at Northern Mindanao Gene Expert TB Reference Laboratory kung saan 103 ang negatibo at 20 positibo sa COVID-19 virus.
Ang mga RT-PCR negative results ay nanggaling sa (5) na suspect cases galing sa Butuan Doctors’ Hospital at Butuan Medical Center Annex; 10 Probable cases galing sa Agusan del Sur at Bislig City Quarantine Facilities; at 88 na natukoy na may close contact sa dating COVID-19 positive cases at mga indibidwal na positibo sa Rapid Antibody-based Tests.
Samantala sa 20 na bagong positibong kaso, 11 o 55% ang Locally Stranded Individuals, 6 o 30% ang Local Transmission galing sa Butuan City at 3 o 15% ang Returning Overseas Filipinos.
Sa nasabing bilang, 11 o 55% ang lalaki habang 9 o 45% ang babae na nasa edad 20 hanggang 30-anyos.
Ang bagong confirmed cases ay nanggaling sa mga lugar sa Butuan City na may 7, Bayugan City (1), Surigao City (1), Bislig City (4), Nasipit, Agusan del Norte (1), municipalidad sa Agusan del Sur-Loreto (1), Prosperidad (1), Rosario (1), Veruela (1), at mga bayan sa Surigao del Norte- sa Mainit (1), Malimono (1).
Sa nasabing bilang 19 o 95% ang asymptomatic habang isa ang may mild symptoms. Kung saan ang lahat ay nasa mahigpit na pagmonitor sa iba’t ibang quarantine facilities sa buong rehiyon.
Sa kasalukuyan ang Caraga region ay may COVID-19 confirmed positive cases na 372 kung saan 269 o 72% ang nakarekober habang 102 o 27% ang nanatiling aktibong kaso.