-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa High-risk ang classification na COVID-19 cases sa Iloilo City.
Ito ang paliwanag ng DOH kasunod ng natatanggap na batikos matapos itinaas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang classification ng lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Bea Camille Natalaray, spokesperson ng DOH Region VI, sinabi nito na araw-araw ang kanilang monitoring at lumabas na noong Hulyo 7-14 High Risk ang active COVID-19 cases sa lungsod.
Napag-alaman na ang hospital utilization rate sa Iloilo City ay nasa high-risk classification na rin.