-- Advertisements --

Nagtala ng 4,077 ang nasawi matapos na dapuan ng COVID-19 sa India.

Dahil sa nasabing bilang ay aabot na ito ngayon sa 270,000 na ang nasawi.

Umakyat naman sa 311,170 ang nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bansa na siyang pinakamababang kaso sa loob ng tatlong linggo.

Mayroon ng mahigit 2 milyon ang kaso ng COVID-19 sa India sa loob lamang sa nagdaang linggo at ang nasawi ay nasa halos 28,000.

Aminado ang Federal health office ng India na bumaba ang overall rate ng positive case per test na mula sa 21.9% ay naging 19.8 percent ngayong linggo.