-- Advertisements --

Tinatayang makapagtala ng nasa 10,000 average daily COVID-19 cases sa National Capital Region sa katapusan ng buwan ng Setyembre bunsod ng nakikitang pagbaba ng hawaan ng virus ayon sa OCTA research group.

Umaasa ang independent group OCTA Research fellow Dr. Guido David na magkakaroon ng downward trend ng COVID-19 cases.

Sa ngayon kasi nananatili sa 15% ang growth rate sa rehiyon na bahagyang nakapagtala sa peak ng COVID-19 cases.

Bagamat nananatiling mataas ang 15% na growth rate ay madali naman aniya itong ma-contain.

Bumaba rin aniya ang reproduction number ng COVID-19 cases sa NCR subalit pumapalo sa 1.4 hanggang 1.45.

Sa kabila nito, posibleng nakatulong naman ang ginagawang interventions sa nakitang significant COVID-19 growth rate sa Metro Manila.

Sakaling mapababa ang reproduction number ng COVID-19 cases sa pamamagitan ng mga bagong istratehiya na ipapatupad sa mga susunod na linggo, umaasa ang independent group na makapagtala ng mas mababa sa 7,500 average cases bago matapos ang Setyembre at umaasang maumpisahan na ang recovery mula sa pandemiya sa buwan ng Oktubre.

Inirekomenda rin ni David ang pagpapabilis ng vaccination drive ng bansa para mapababa ang kaso ng mga naadmit sa ospital.