-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na tinamaan na coronavirus disease ayon sa impormasyong inilabas ng Department of Foreign Affairs ngayong araw.

Muling nakapagtala ang ahensya ng 34 na OFWs na nagpositibo sa naturang virus dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 5,218. Mahigit 2,000 naman ang naka-recover, 2,709 ang kasalukuyan pang nasa ospital at 342 ang namatay.

Naitala sa Middle East ang pinakamataas na bilang ng mga OFWs na may COVID-19 kung saan 3,252 ang positibo sa sakit, 1,317 ang gumaling, 100 patay at 1,835 ang kasalukuyang nagpapagamot.

Sumunod sa bilang ang Europe na may 821 infections, 259 recoveries, 90 deaths at 472 ang nagpapagaling.

Ikatlo ang Asia Pacific na may 489 cases, 351 recoveries habang dalawa lamang ang namatay.