Pababa na ang trend ng COVID-19 cases sa bansa ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes.
Bumaba ito sa 4% na lang kumapara sa naitala noong nakalipas na linggo.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH noong Enero 8, nakapagtala ng 502 bagong kaso, kaya umabot na sa 4,140,383 ang kabuuang Covid-19 cases kung saan nasa 6,138 ang mga aktibong kaso.
Ayon kay Sec. Herbosa, mababa din ang bilang mga naospital na mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19.
Sa kabila naman nito, sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag na patuloy na sinusubaybayan ng DOH ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa partikular ang pagkalat ng COVID-19 Omicron subvariant JN.1 na naitala na sa bansa.
Sinabi rin ni Sec. Herbosa na ang mga COVID-19 monovalent na bakuna na nagta-target sa Omicron XBB subvariant ay maaaring dumating sa Pilipinas sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.