Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.
Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa.
Umaasa si Dr. David na kung mangyayari ito ay magiging maganda ang pagdiriwang ng holiday sa darating na Disyembre.
Ayon pa kay David, ang positivity rate ng bansa ay nasa 8% kung saan bahagya itong mas mataas ng limang porsyento sa naitalang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.
Paliwanag pa ni David na bagamat gumaganda ang COVID-19 situation sa mga probinsiya bahagya namang mataas ang positivity rate dahil sa medyo kulang aniya ang testing sa ibang mga probinsiya.
Samantala, suportado naman ng independent research group ang panawagan na ilagay ang NCR sa mas pinaluwag na alert level 2 upang makabawi ang mga negosyo naapektuhan ng mga umiiral na restriksyon.
Wala naman aniyang nakikita na banta ng mas mapanganib na variant ng COVID-19 sapagkat wala naman aniyang naiuulat na presensiya ng sinasabing Delta plus sa lineage ng Delta variant.
Kaugnay nito, mas marami na rin aniya ang bakunado laban sa COVID-19 sa Metro Manila kung kaya’t mas mababa ang tiyansa ng muling magkaroon ng outbreaks o surge ng virus.
Nauna nang inihayag ni Health spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan na ang avergae daily attack rate (ADAR) ay nasa 7 o mas mababa pa upang maibaba sa alert level 2 ang NCR.