-- Advertisements --
image 121

Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay nananatiling “manageable”, dahil walang makabuluhang pagtaas ng mga impeksyon na naobserbahan.

Ayon sa pahayag ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, 133 average na kaso kada araw lamang ang naiulat sa buong bansa nitong mga nakaraang linggo.

Tiniyak niya sa publiko na patuloy na sinusubaybayan ng kanilang departamento ang sitwasyon ng pandemya sa bansa, at muling iginiit na ang mga naitalang impeksyon sa Metro Manila ay nananatiling minimal.

Gayunpaman, sinabi ni Vergeire na mahigpit na binabantayan ng health department ang Mandaluyong, na mayroon lamang tatlong intensive care unit (ICU) beds sa lungsod.

Paliwanag niya na kapag nagkaroon umano ng isa lang na kaso ng COVID19 ay tumataas na rin daw kaagad ang percentage ng mga kaso sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang COVID-19 caseload ay nasa 4,077,109, na may 4,002,009 recoveries, 66,160 namatay at 8,940 active cases sa ating bansa.