-- Advertisements --

Bumaba na sa 549 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP mula sa 570 cases noong isang araw.

Ito ay matapos makapagtala ang PNP Health Service kagabi ng 50 bagong recoveries at 28 bagong kaso ng COVID sa hanay ng PNP.

Sa mga bagong kaso, lima ang iniulat sa Police Regional Office-13 (PRO); tig-apat sa NCRPO at PRO-3; tig-tatlo sa PRO-10 at PRO Cordillera; tig-dalawa sa PRO-2, PRO-7 at PRO-11.

Habang tig-isang kaso naman ang iniulat sa National Administrative Support Units, PRO-1, at PRO-9.

Dahil dito umabot na sa 7,082 ang bilang ng PNP personnel na nagpositibo sa COVID-19, kung saan 6,511 sa mga ito ang gumaling na.

Nananatili naman sa 22 ang bilang ng mga tauhan ng PNP na namatay dahil sa naturang sakit.