-- Advertisements --

MANILA – Nadagdagan pa ng 148 ang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na coronavirus sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, as of June 19, aabot na sa 26,644 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa mga police personnel.

Mula rito, nasa 1,922 pa ang active cases o nagpapagaling.

Aabot naman sa 24,651 ang bilang ng mga gumaling dahil sa 161 na bagong recoveries.

Samantalang, nananatili sa 71 ang death cases dahil walang naitalang bagong kaso ng namatay.

Sa buong Pilipinas, pumalo na sa 1,353,220 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases.