Sumampa na sa 2,008 ang kumpirmadong COVID-19 cases na naitala sa Philippine National Police (PNP).
Nasa 76 panibagong cases ang naitala ng PNP sa buong bansa.
Sa datos na inilabas ng PNP, 10 na ang naitalang nasawi na mga pulis dahil sa nakamamatay na virus, 716 naman ang naka rekober, 725 ang probable cases habang 2,445 naman ang suspected cases.
Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga Covid-19 cases sa PNP, tiniyak ng PNP sapat pa rin ang kanilang pwersa para ipatupad ang kanilang trabaho.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, mula sa kabuuang 209,000 puwersa ng Pulisya sa buong Pilipinas, wala pang isang porsyento nito ang infected sa Covid-19 virus.
Binigyang-diin naman ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, na ginagawa ng PNP ang lahat upang pangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga tauhan kaya’t mahalaga na makapagtayo rin sila ng mga sarili nilang Testing facility sa Visayas at Mindanao.