-- Advertisements --

gam1

Patuloy na lomolobo ang bilang ng COVID-19 cases sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa datos na inilabas ng PNP, as of 6PM ng August 10, nakapagtala sila ng 43 panibagong cases.

NHQ – 2
HS – 1
MG – 1
SAF – 1
NCRPO – 33
PRO 4A – 7
PRO 11 – 1

Karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa COVID ay mga frontliners na nagmamando ng mga quarantine control points at mga nagpapatrulya sa lansangan.

Sa ngayon sumampa na sa 2,538 ang confirmed cases sa PNP, habang 12 ang nasawi.

Mahigpit namang mino-monitor ng PNP health Service ang nasa 2,185 suspected cases at 829 probable cases.

Nasa 1,614 naman ang bilang ng mga pulis na nakarekober sa sakit.

Ang NCRPO ay nakapagtala ng 900 confirmed cases.

Ayon kay PNP chief ang Central Visayas, Region 4A at central Luzon at NCR ang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases.