Kinumpirma ng OCTA Research na bahagyang tumaas ang bagong kaso ng Covid-19 sa siyudad, batay ito sa September 28 na datos ng Department of Health (DOH) at Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Kaya pina-alalahan ng pamahalaang lungsod ang mga QCitizens na mag-ingat , ugaliing sumunod sa minimum health and safety protocols.
Sa ngayon nasa 9,224 ang active cases sa siyudad mula sa kabuuang 163,580 cases na naitala.
Sumampa na rin sa 152, 941 ang naka rekober o gumaling sa sakit.
Sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 cases,bumaba naman ang Reproduction Number ng siyudad na ngayon ay nasa 1.19.
Ayon sa CESU, ipinapakita ng nasabing numero kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus.
Ang Reproduction Number o R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.
Umabot naman sa humigit kumulang 5,000 ang testing capacity ng Quezon City sa nakaraang linggo.
Habang bumaba sa 19% ang positivity rate ng lungsod.
Ibig sabihin, halos isa kada limang taong tine-test ay nagpopositibo sa COVID-19.
Higit na mas mataas pa rin ito sa pamantayan ng World Health Organization na 5%.