CENTRAL MINDANAO-Lomobo pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa rehiyon-12.
Sa huling datus ng Department of Health (DOH-12) nakapagtala ng karagdagang 364 na panibagong kaso sa nakakahawa at nakakamatay na sakit Soccsksargen region.
Ayon sa DOH-12 ito na ang highest single day tally ng coronavirus infections simula ng pinasok ng Covid-19 ang rehiyon noong March 17, 2020.
Nanguna sa may pinakamaraming bilang ng bagong kaso ay ang Sarangani na umabot sa 130, sinundan ng South Cotabato na may 73 Covid infections, pangatlo ang General Santos City na may 59 cases samantalang ang North Cotabato at Sultan Kudarat ay kapwa may 51 na bagong kaso.
Pumalo na ngayon sa 10,994 ang coronavirus disease sa rehiyon.
Sumampa narin sa 8,418 ang kabuoang bilang ng mga gumaling pagkatapos madagdag ang 123 pasyente ang nasa maayos ng kondisyon.
Pinakamarami sa mga naitalang gumaling ay mula sa North Cotabato na merong 44 recoveries, General Santos City 34, South Cotabato 24 at Sultan Kudarat 10.
Nasawi naman ang isang 57 anyos na babae na taga Kidapawan kung kayat sumampa na sa 339 ang total deaths cases.
Tumaas pa ng hanggang 2,235 ang aktibong kaso.