BUTUAN CITY- Kinumpirma ng Surigao del Sur Provincial Health Office na nasa downtrend o pababa na ang mga kaso ng COVID -1 9 sa probinsya.
Ayon kay Dr. Eric Montesclaros, Provincial Health Officer sa lalawigan ito ay matapos namonitor ang mababang bilang sa mga nagpapa-swab test sa nakalipas na mga araw.
Aniya, base sa kanilang monitoring sa mga nakaraang araw, makikita na pababa na ang positivity rate sa mga swab samples na isinailalim sa confirmatory testing sa nasabing sakit.
Dahil dito, bumaba ang Average Daily Attack Rate ( ADAR ) sa buong lalawigan.
Kikonsidera Dr. Eric Montesclaros na ang bumubutiong sitwasyon ay dahil sa pagdami ng mga nababakunahan ng COVID-19 Vaccines sa buong probinsya.
Nabatid nasa 21% na sa kanilang target population ang fully-vaccinated na.
Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na hindi pa rin mag magpakampante dahil posibleng temporaryo lamang ang bumubuting kalagayan sa kanilang mga COVID-19 cases.