BUTUAN CITY – Pawang mga imported cases na lamang ang naitatalang mga COVID-19 cases sa Taiwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Maeri Ann, tubong Cagayan Valley at overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing bansa, sinabi nito na matagal ng walang naitatalang domestic case ng COVID-19 sa Taiwan.
Aniya, epektibo ang ginagawang hakbang ng gobyerno ng Taiwan para mapigilan ang paglaganap ng virus habang sinusunod naman ng mga tao ang mga health protocols.
Dagdag pa nito, nasa limang mga kaso lamang pababa ang naitatala sa Taiwan kada-araw.
Sinabi nito na pawang mga galing sa ibang bansa na pumasok sa Taiwan ang naitatalang kaso ngayon ng coronavirus.
Nabatid na isinagawa sa Taiwan ang kanilang vaccination campaign noong unang bahagi ng Marso sa pamagamitan ng pagturok ng unang dose ng Oxford-AstraZeneca vaccine kay Premier Su Tseng-chang.