-- Advertisements --

Naniniwala ang UP OCTA Research Team na paumpisa pa lamang ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa Metro Manila at kaya pa itong maagapan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Butch Ong na kung makikipagtulungan ang publiko sa gobyerno sa pamamagitan ng pagtalima sa health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay ay mapipigilan pa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

DOH holiday shoppers mall COVID Duque

Ayon kay Dr. Ong, nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila simula nuong ikalawang linggo ng Disyembre pero maaari pa itong makontrol.

Pero sa oras umanong magpabaya at magpakakampante ang publiko ay maaaring makamit ang 4,000 new cases per day o papalo na sa 500,000 ang COVID-19 cases sa bansa bago matapos ang taon.

Kaya paalala ng mga eksperto, habang nagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay sumunod sa safety protocols para maabutan pa ang pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa COVID-19.