Binigyang-diin ng gobyerno na nako-kontrol ang mga naitatalang spike o biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lugar sa bansa na una nang binuksan para sa turismo.
Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez J., sa kasalukuyan, ang nakita lamang nilang nagkaroon ng pagtaas sa kaso ay sa Visayas, partikular sa Bohol kung saan binuksan ang tourism bubble.
Ayon kay Sec. Galvez, sa Davao naman, bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso, nako-contain na ito ng gobyerno lalo nandoon na ang CODE Team ng pamahalaan.
Sa Palawan naman umano ay walang naitalang pagtaas ng COVID-19 cases.
Habang ang naitala bahagyang pag-angat ng bilang ng kaso sa Baguio City ay dahil sa mga kalapit nitong lugar tulad ng Itogon.
Sa kabuuan umano ay nama-manage naman ng pamahalaan ang mga naitatang spike ng COVID-19 cases sa bansa at ang active cases naman ay nananatiling mababa.