Bahagyang tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong araw ng Biyernes kumpara nitong nakalipas na Huwebes.
Sa datos mula sa Department of Health (DoH), nakapagtala sila ng 18,659 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang bansa.
Mayroon namang naitalang 9,088 na gumaling at walang namatay.
Sa kabuuang bilang ng mga nai-record na kaso sa bansa, nasa 7.1 percent o katumbas ng 175,324 ang aktibong kaso, 91.3 percent naman o 2,240,599 ang gumaling at 1.52 percent o 37,405 ang kabuang namatay.
Sinasabing ang zero deaths na datos ay bunsod na rin ng problema sa DOH’s data collating system na COVIDKaya.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 22, 2021 habang mayroong isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng isang laboratory na ito ay humigit kumulang 0.3 percent sa lahat ng samples na nai-test at 0.3 percent sa lahat ng positibong mga indibidwal.