CENTRAL MINDANAO-Sa patuloy na laban ng Pilipino sa covid-19, personal na umapela si Kabacan Cotabato Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa mga Kabakeño na magparehistro sa covid-19 contact tracing system o CCTS.
Dagdag pa ng alkalde, pati na ang mga establisemento ay kailangan ding magparehistro.
Narito ang paraan upang makaparehistro:
STEP 1 – PASUKIN ANG http://r12-ccts.ph/web
STEP 2 – Piliin kung citizen o establishment ang ipaparehistro.
STEP 3 – Sagutin ng tama ang mga impormasyong hinihingi.
Sa kasalukuyan mayroon ng abot sa 17,470 na indibidwal ang nakaparehistro habang 172 naman na mga establisemento ang rehistrado sa CCTS.
Samantala,nadagdagan pa ang naitatalang recovered case sa bayan ng Kabacan.
Sa pinakahuling datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, may kabuuang labing anim (16) ang recovered case habang nasa anim (6) na lamang ang aktibong kaso.
Patuloy parin ang apela ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa publiko na sumunod sa mga ipinapairal na batas kontra covid-19.