-- Advertisements --
house hearing covid coronavirus DOT
Joint hearings by the House Committee on Tourism and Economic Affairs

Tinatayang aabot ng P42.9 billion ang magiging lugi sa turismo kapag tumagal pa ng hanggang Abril ang kinakatakutan na ngayo’y tinawag na Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa joint hearing ng House Committee on Tourism at Economic Affairs, sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na ito ay base na rin sa mga kanselasyon ng flights at cruise mula China at special administrative regions nito na Hong Kong at Macau.

Ayon kay Romulo-Puyat, 465 flights kada linggo ang nakakansela magmula noong Enero hanggang kahapon Pebrero 11 o katumbas ng 101,452 seats, habang 11 cruise naman ang suspendido dahil sa bantang hatid ng COVID-2019.

Sa kanilang pagtaya, sa buwan ng Pebrero pa lamang ay inaasahang aabot ng hanggang P16.8 billion ang “foregone loss” para sa turismo ng bansa.

Samantala, sinabi naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Usec. Rosemarie Edillon na kapag tatagal pa ng limang buwan ang COVID-2019 ay mababawasan ng 0.3 percent ang “full year gross domestic product” ng bansa.

Gayunman, para makabawi rito tiniyak ng kalihim na mayroong nakalatag na plano ang pamahalaan kabilang na ang pagpapalakas sa domestic tourism sa bansa, bagay na suportado ng NEDA.

House hearing DOT Wuhan
DOT briefing before the joint hearings by the House Committee on Tourism and Economic Affairs