Humihingi ngayon ang Department of Agriculture (DA) ng P31-billion supplemental budget para tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na supply ng pagkain sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang statement, sinabi ng DA na ang karagdagang halaga na ito ay gagamitin sa implementation ng Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra sa COVID-19 (ALPAS COVID-19) program.
Binigyan diin ni Agriculture Sec. William Dar na isa sa mga epekto ng nararanasang pandemic ay ang paghihigpit sa global food supply.
Kung hindi aniya kikilos ngayon ang pamahalaan, hindi malayong magkakaroon ng kaguluhan kapag nakakaranas na ng gutom ang taumbayan.
“While improving our food adequacy level, we should aim for food security,” giit ni Dar.
Kaya naman mahalagang pagbutihin aniya sa ngayon pa lang ang production pati na rin ang mga proyekto at iba pang hakbang para matiyak ang food security sa bansa.