Mas mababa pa sa 3,000 ang naitatala ng Department of Health (DOH) sa nakalipas na tatlong araw makaraang makapag-record sila ng 2,671 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Sa ngayon nasa 3,644,597 na ang mga nahawa sa virus mula noong taong 2020 sa Pilipinas.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,130 na gumaling.
Ang kabuuang nakarekober sa bansa ay umaabot nasa 3,520,545.
Habang mga aktibong kaso o pasyente na nagpapagaling pa ay bumaba pa sa 68,829.
Meron namang nadagdag na bagong bilang na 77 sa listahan ng mga namatay.
Ang death toll sa buong bansa umakyat pa sa 55,223.
Mayroon namang anim na mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
“All labs were operational on February 14, 2022. However 6 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 6 labs contribute, on average, 1.4% of samples tested and 1.7% of positive individuals,” bahagi pa ng DOH advisory.