-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang “daily growth rate ng COVID-19 cases” sa Metro Manila base sa monitoring ng independent analytics group OCTA Research.

Sinabi ni OCTA Research fellow Guido David, bumaba sa 3 percent mula 5 percent ang daily growth rate sa National Capital Region (NCR).

Kung bumaba man nang 3 percent ang “daily growth rate ng COVID-19 cases”, maaaring aabot nalang sa 16,000 hanggang 18,000 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon ngayong araw o bukas.

Ayon kay David, ang daily growth rate ay ang porsyento ng pagtaas ng mga kaso mula sa nakaraang araw, gamit ang 7-day average ng mga bagong kaso.

Samantala, bumaba rin ang reproduction number ng coronavirus infections sa Metro Manila mula 3.77 noong Enero 10 hanggang 3.22 noong Enero 11.

Ngunit binanggit ni David na ang pagbaba ng bilang ng growth rate ay isang matibay na katibayan na ang trend sa NCR ay nagpapakitang mataas pa rin batay sa kanilang data backlog at late reports.

Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga kaso ng COVID-19 ay maaaring umabot sa kanilang peak sa katapusan ng Enero, at dahan-dahang bababa ang mga kaso kapag naabot na nila ang kanilang peak.