-- Advertisements --
Dr Fauci
Dr. Anthony Fauci, Director of National Institute of Allergy and Infectious Diseases

Nagbabala ang ilang health experts sa US na hindi malayong maabot ang 200,000 ang mamamatay dahil sa coronavirus.

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases, ilang milyong katao kasi ang maaaring madapuan ng nasabing virus.

Nasa mahigit na 2,000 katao ang nasawi sa Amerika.

Ayon kay Dr. Fauci, mahalaga aniya ang pakikipagtulungan ng publiko sa gobyerno para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.

“Looking at what we are seeing now, I would say between 100,000-200,000 deaths from coronavirus,” ani Dr. Fauci sa CNN “State of the Union” program.

Sa ngayon lumampas na sa 2,000 ang mga namatay sa US at mahigit na sa rin 124,000 ang mga kaso ng coronavirus.

Ang New York pa rin ang pinaka-hard hit na estado ng naturang health pandemic.