-- Advertisements --
Sumampa na sa mahigit 50,000 ang bilang ng mga binawian ng buhay sa Brazil bunsod ng coronavirus pandemic.
Dahil dito, itinuturing na ngayon ang Brazil bilang ikalawang bansa sa buong mundo sunod sa Estados Unidos na nakapagtala ng napakalaking bilang ng mga namatay bunsod ng deadly virus.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Brazil health ministry, nakapagtala ang bansa ng 641 na mga namatay sa loob ng 24 oras, dahilan para lumobo pa ang death toll sa 50,617.
Mahigit 17,000 din ang napaulat na panibagong kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Ang naturang development ay kasunod ng lumalalang tensyong pulitikal sa bansa, at ilang araw din lamang matapos itala ng Brazil ang 1-milyong coronavirus infections. (BBC)