May dalawa na namang namatay mula sa 187 cases ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Lumalabas sa data ng DOH na binawian ng buhay nitong hapon sina PH126 at PH129 dahil sa iba’t-ibang komplikasyon sa baga.
Isang 76-year old na lalaki si PH126 na namatay dahil sa acute resipiratory distress syndrome (ARDS) at severe pneumonia habang naka-admit sa Adventist Medical Center – Manila. May history din daw ito ng Type 2 Diabetes at Hypertensive Cardiovascular Disease.
Habang si PH129 ay isang 67-year old na lalaki na namatay naman sa Lung Center of the Philippines dahil din sa ARDS secondary to COVID-19 at community-acquired pneumonia. Mayroon din daw itong hypertensive.
Samantala, kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na isang direktor mula sa central office ng Department of Health (DOH) ang nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Hindi na pinangalanan ng opisyal ang kapwa kawani mula sa Health department na infected ngayon ng sakit, pero nilinaw nitong nasa mabuting kondisyon na ang pasyente.
Nitong hapon nang ilabas ng DOH ang updated na listahan ng mga nag-positive sa pandemic virus na umakyat pa sa 187.
Kasama na raw sa bilang na ito si Sen. Juan Miguel Zubiri na nag-kumpirma ng infection kagabi.